Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, April 3, 2025 · 799,887,030 Articles · 3+ Million Readers

Imee: Kulang ang isang pagdinig sa nangyari kay FPRRD!

PHILIPPINES, April 2 - Press Release
April 2, 2025

IMEE: KULANG ANG ISANG PAGDINIG SA NANGYARI KAY FPRRD!

Patuloy na isinusulong ni Senadora Imee Marcos ang paghahanap ng katotohanan sa naganap na pagdakip ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nagpadala si Marcos ng isang liham kay Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 1, bilang tugon sa pagtanggi ni Bersamin na padaluhin ang mga miyembro ng gabinete sa inaasahang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations sa Abril 3, 2025.

Ayon sa senadora, hindi sapat ang mga dahilan na ibinigay ng MalacaƱang upang tanggihan ang imbitasyon ng Senado. Ibinahagi niyang mahalaga ang presensya ng mga opisyal ng gobyerno sa pagdinig upang magbigay linaw sa mga isyung naunang lumitaw at masagot ang mga katanungan mula sa nakaraang pagdinig.

"The Committee is keen to provide the executive officials an opportunity to clarify issues and questions that surfaced last hearing. There are likewise new pieces of information that the Committee has received, and in the interest of fairness and transparency, the Committee would like to give executive officials a chance to explain their side relative to these new pieces of information," ani ng senador sa kaniyang liham.

Iginiit din ni Marcos na may mga desisyon ang Korte Suprema na sumusuporta sa kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon bilang bahagi ng kanilang tungkulin, anuman ang mga kasong kasalukuyang ipinoproseso.

"The power of legislative inquiry is an essential component of legislative power. The same cannot be made subordinate to a criminal or an administrative investigation or to special civil actions pending before the Supreme Court," dagdag pa ng senador.

Pinaalala rin ng senadora na hindi maaaring gamitin ang executive privilege bilang dahilan upang iwasan ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa publiko.

"I hope that you reconsider your decision and allow the invited Cabinet members to attend the scheduled hearing," pahayag ni Senadora Marcos.

Binanggit ng senadora ang kahalagahan ng paglilinaw sa isyu upang maiwasan ang mga maling interpretasyon at paghihinala, pati na rin ang tuluyang pagwatak-watak ng taumbayan, sa kabila ng desisyon ng MalacaƱang na hindi dumalo sa pagdinig mula sa liham na ipinadala ni ES Bersamin noong Marso 31.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release